Si Charrie..

Posted: August 13, 2009 in Tagalog
Tags:

Naging friend ko itong si Cha kasi kami ng housemate kong si Mon ay madalas kumanta sa mga booth na nagtitinda ng magic sing. Isa siya sa mga attendants dun.

Nung makilala namin siya, on the rocks na pala ang relationship niya sa BF niya. Naging tropa namin siya, at dahil may mga bago na siyang friends, siguro lumakas na ang loob niya na hiwalayan na ang bf niya. Napaka higpit daw kasi nung guy at lahat pinapakialaman. Obsessive Compulsive kumbaga ika nga ng mga pasusyal.

Anyway, lumipas nga ang mga araw at masasaya naman kami, palaging kasama si cha sa lahat ng mga lakad ng tropa. Biglang may nagtext sakin at ang sabi “denver salamat sa pang hihimasok nyo sa relasyon namin, kaunting sandali nalang patay na ako, makukuha nyo lang siya sa akin pag patay na ako”

May death threat palang ang papatayin ay sarili parang may mali. dun palang alam ko nang hindi naman kaya ituloy ng guy ang binabalak. ipinag sa walang bahala ko lang. after a few hours may mms na bumulaga samin. Hiwa ang wrist ni gago… kaya pinauwi namin si cha. May nagtext na naman na “kung sino man nakaka kilala sa parents ni Ed, pakisabi nasa hospital siya. andito kami mga kaibigan niya”

bumalik din sa amin at hindi naman daw namatay, hoax pala ang mms na pinadala at gawa gawa lang ang kwento na nasa hospital siya. Kawawa naman si cha. ipit na ipit sa sitwasyon. bakit ganun yung guy na yun, ayaw na sa kanya ng tao pinipilit pa.

sunod sunod pa ang pananakot niya sa amin sa text, kesyo mag sisisi daw kami at nakilala namin siya. naku natawa ako ewan ko kasi gas gas na ang linyang ito di naman nangyayare.

nagtext na naman siya sa amin, “sorry sa mga nasabi ko.. alagaan nyo si cha” ok lang di ko parin pinansin.

Sweldo day na ni Cha at nagpasikat na manlilibre. kukunin niya lang daw ang atm niya na nakasangla sa kanyang supervisor.

Bumalik sa bahay si cha.. galit na galit.. ang nangyari pala, kinuha ng ex bf niya ang atm niya sa supervisor. at ang sabi ay ipinapakuha ni Cha. nalimas halos ang sinahod ni Cha. natira ay isang libo nalang. Ibabalik naman daw niya agad emergency lang. Nasundan pa yun ng mas malaking kamalasan..

“Den last day ko na ngayon sa work. end na ang contract ko” anu ba namang klaseng buhay toh. eh malamang dahil sa amin na halos tumitira si cha eh kargo na din namin siya in some ways diba. Nag umpisa sa pang kain dati.. sumunod na ang pag tulong namin sa kanya na maghanap ng trabaho.. pati pamasahe niya.. mabait naman na kaibigan si cha pero sa sitwasyon niyang iyon, kami na lang ang natitira sa kanya, how can we turn our backs on a friend diba.

Ang cellphone na gamit ni cha ay medyo may laban naman, high end kumbaga, at yun ay binili ng ex bf niya. na galing din sa inipon na sweldo niya. umeksena na naman si ex at ang sabi “kukunin ko na yang cellphone mamaya” itong si cha may katangahang taglay at ang sabi sa amin “mamaya wala na ko cellphone, kukunin na ng ex ko” nag init ang tenga ko at di ko napigilan sabihin sa kanya na.. “ang bobo mo naman!! bakit mo ibibigay iyan eh galing yan sa ipon mo.. at yung pera mo nga hindi niya ibinabalik tapos kukunin niya yan phone? sino inuto niya? ikaw lang ang nagpapa uto ng ganyan kapag ibinigay mo yan..”

sa ngayon andito siya palagi sa bahay, chat ng chat, tambay mag hapon. hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. ang last yata na sinabi ko sa kanya ay imbes na mga chat sites ang inuuna niya ay maghanap siya ng trabaho online. Parang patapon na siya ngayon.. Hindi kasi naka tapos ng college kagaya namin kaya hindi ko matulungan makapasok sa company namin. plus hindi pa siya katalinuhan para makalusot sa mga interview sa mga call center.

Ano pa kayang pede namin gawin? nabibigatan na din ako sa pasanin. ayoko naman maging masama na wag nalang pansinin na tuwing kumakain kami sa bahay ay nandito lang siya sa harap ng laptop at nag hahanap ng makaka usap kasi wala siyang pang bili ng pagkain.

Ang walangyang ex naman niya hindi namin masingil dahil may bago nang syota na siyang sumasagot sa mga tawag namin.

ang huling text ni cha sa amin “pasensiya na kayo pati kayo nadadamay sa problema ko”

hay, sa totoo lang hindi lang naman siya ang may problema, ang mahalaga meron siyang mga kaibigan sa mga ganitong panahon. pero hanggang kailan ganito?? sana matapos na para sa ikabubuti ng lahat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s