Quiet room ep 2

Posted: August 14, 2009 in Tagalog
Tags: , ,

Hindi na mapigilan ang paglaki ng call center na itoh, ang dating parang nirentahan kong Quiet room no bags allowed ay mukha nang evacuation center ng mga biktima ng typhoon katrina. at ang lalaki ng mga natutulog ha, para akong nakakita ng cast ng lord of the rings. ung mga Orcs nagttrabaho na sa call center langya naman oh.. idedefine ko ang ibat ibang klase ng snores sa quiet room. sobrang updated ako sa bagay na ito siyempre kasi suki ako ng Quiet room no bags allowed.

 Sai_Duck_by_ToonTwins

1. Saiduck: tunog pokemon pero hindi, this is how one of my teammated described the snore na narinig niya, katunog niya daw si donald duck, parang pato mag hilik ang mokong na ito. tinignan namin siya at tuwing makikita namin siya sa floor ay nag lolokohan kami “sai—duck sai—-duck…”

 

TexasChainsaw

2. Texas chainsaw massacre: well, halata naman sa title diba, dire diretso naman ang accent ng hilik ng isang toh, parang chainsaw, nakaka gulat, nakaka gulantang.. at napaka ingay. pag nakikita naman namin siya sa floor, minumustra namin ang pag hihila ng tali na parang nag sstart ng chainsaw..

 

 dinosour

3. Jurrasic park: oo parang dinosour humilik ang matabang lalaking itoh. my god, para siyang nag trabaho ng 15 hours sa construction ng MOA at pagod na pagod kaya ganun kalakas ang hilik niya. Sinilip ko ang mukha niya para pag nakita ko siya sa production floor alam ko na kung sinu siya. Nagulantang ako sa nakita ko.. andaming residente sa mukha niya, mukha siyang nilalanggam, andaming pimples!! Mahirap idescribe, maihahalintulad ko siya sa isang matamis na pagkain.. Pinipig Crunch.. ganun, maitim na maitim parang chocolate tapos may mga shrapnel pa..

 

godzilla78

4. Godzilla: in short, extreme level ng hilik ni jurrasic park.. pag nakikita namin siya, wala kaming maimustra, tumatakbo kami at umiiwas kasi baka mabugahan kami ng apoy diba, hindi ko naman palaging dala ang bato ni darna. At sinilip ko rin ang mukha ng isang ito, mas grabe pa pala siya kay jurrasic park, para siyang sumugod sa Wargames ng walang suot na mask. Kung si juan tamad ay inabangan lumaglag sa bibig niya ang bayabas, ang isang ito naman ay mistulang nag abang na malaglag sa mukha niya ang Langka, butas butas. Parang isinumpa siya na maging kamukha niya si pinhead ng pelikulang hellraiser. Lugi ka pag hinamon mo ng suntukan itoh dahil mukha na siyang character sa DOTA, na ilang ulit nang namatay at nagpilit mabuhay uli. Hindi naman sa nagmamayabang ako, pero wala akong mga ganun sa mukha ko. Ikumpara mo naman ang Buhay (ako) sa Patay (siya)

 

imagine kung sabay sabay ang apat na ito sa quiet room, nangyari na minsan, ang tagal bago ko makatulog at naririnig ko ang ibang tenants na nagdadabog na, pumapadyak na sa inis at ung iba naman maririnig mo ang “tsk tsk tsk” na parang mga butiki, tunog ng pagka badtrip sa mga orcs. kung pede ko lang ba i suggest na bukod sa quiet room no bags allowed ay sana magkaron na rin ng noisy room.. para dun nalang matulog ang mga nag hihilik na ito, abah lagyan mo ng decibel meter ang kwarto at sasabog un. or umimbento sila ng machine na makakapag convert ng hilik into fuel, edi tumaas ang supply natin at di na tayo mag iimport, matitigil na ang walang katapusang kaguluhan sa kalye in regards to oil price hike. anything basta magkarun ng silbi ang hilik ng mga hampaslupang ito.  tutal kahit maingay sila humilik hindi sila magigising pare pareho, unlike sa quiet room kung nandun sila, abay sila lang ang nakaka tulog ng bonggang bongga at ung iba ay naiiyak na sa kakapilit matulog, mga puyat sa pag ddouble shift pag oovertime, hindi maka tulog ng mahimbing dahil merung mga mahihimbing ang tulog. Or pede rin bigyan sila ng pelikula, “the chronicles of the snorelocks” para hindi na sila sa call center mag trabaho.. just so you know, kung sa iba gawaing tamad ang matulog, sa amin, luxury un, oh diba para kaming mga artista. yan ang buhay namin dito sa office. madami pang kwento lalu na outside the Quiet Room no bags allowed.. siguro next time ung mga eksena naman sa yosi room, comfort rooms, training rooms, game room, break room, lahat yan madaming kwentong entertaining. depende sa kung sino ang nag kkwento, kung kaninong experience, ang mahalaga, we still do our jobs right?

 

End..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s